Metro Manila, ilang kalapit na lalawigan uulanin sa susunod na mga oras

Makararanas ng pag-ulan sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan sa susunod na mga oras.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 8:14 ng gabi, July 17 katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Tarlac, at Laguna sa susunod na dalawang oras.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa mga bayan san Felipe at Cabangan sa Zambales at sa mga bayan ng Infanta, Real, at Mauban sa Quezon.

Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha.

Ang mararanasang malakas na buhos ng ulan ay maari ding magdulot ng landslides sa bulubunduking lugar.

 

 

Read more...