Kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City 791 na

Tatlumpu’t siyam pang bagong kaso ng COVID-19 ang napaulat sa Muntinlupa City

Nasa 791 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang alas 6:00 Biyernes ng gabi (July 17), sa nasabing bilang ay 351 ang aktibong kaso.

318 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 363 ang suspected cases.

Samantala, 384 na residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 56 naman ang nasawi.

Pinakamaraming kaso ay sa Brgy. Putatan na umabot na sa 139.

 

 

Read more...