DFA inalala ang trahedya sa Malaysian Airlines flight MH17 na nangyari 3 taon na ang nakararaan

Inalala ng Department of Foreign Affairs ang anibersaryo ng trahedya sa Malaysian Airlines flight MH 17.

Ayon sa DFA kabilang ang isang Pinay at dalawa niyang anak at 295 pang sakay ng eroplano ang pumanaw sa insidente na naganap sa eastern region ng Ukraine noong July 17 2014.

Kasabay nito ay nag-alay ng panalangin ang DFA para sa pamilya ng mga nasawi.

“As a Grieving Nation, the Philippines on this solemn day renews its solidarity with the governments of other Grieving Nations who lost citizens in that ill-fated flight, and offers its prayers to the families and loved ones of the victims as they continue to suffer this insurmountable loss,” ayon sa pahayag ni DFA Sec. Teodoro Locsin Jr.

Nakasaad din sa pahayag na kabilang ang Pilipinas sa umaasa na mapagkakalooban ng hustisya ang mga pumanaw sa insidente.

 

 

Read more...