Tatay ni Dennis Rodman pumanaw sa Pampanga

Pumanaw sa edad na 79 ang tatay ni Dennis Rodman na si Philander Rodman Jr..

Sa post ni Jasmine Rodman na nagpakilalang apo ni Philander inanusyo nito ang pagpanaw ng kaniyang lolo.

Ang anak naman ni Philander Rodman na si Darling Marie, gumawa ng Twitter account sa layong makarating kay Dennis Rodman ang ang balitang pagpanaw ng kaniyang ama.

Humihingi rin sila ng tulong sa dating NBA player para sa mga bayarin sa ospital.

Simula pa noong 1970s ay nasa Pilipinas na si Philander Rodman.

Noong 2012, nagkita ang mag-ama sa exhibition game na ginanap sa Mall of Asia Arena.

 

 

 

Read more...