Valenzuela City MeTC Branch 81 sarado hanggang July

Isasara sa loob ng dalawang linggo ang Metropolitan Trial Court Branch 81 sa Valenzuela City.

Ayon sa memorandum na nilagdaan ni Presiding Judge Teresita Asuncion Lacandula-Rodriguez, sarado mula ang naturang branch hanggang sa July 24.

Ito ay makaraang isang empleyado ng korte ang magpositibo sa COVID-19.

Noong July 10 huling nag-report sa trabaho ang nagpositibong empleyado.

Inatasan na ang mga empleyado ng korte na sumailalim sa home quarantine.

 

 

Read more...