Kasunod ito ng anunsyo ni Orlando Casimiro, pinuno ng Quezon City Legal Department na naka-recover na sa COVID-19 ang alkalde matapos dalawang beses na mag-negatibo sa test.
Sa kaniyang pahayag sinabi ni Belmonte na hindi pa tapos ang kaniyang 14-day quarantine.
Dahil dito, hindi pa maikukunsidera na siya ay naka-recover na.
Maituturing umano siyang fully recovered kapag fully compliant na siya sa DOH protocols at kapag mayroon na siyang clearance mula sa health professional.
“My 14-day quarantine is not yet finished so I am not considered recovered until such time as I am fully compliant with the DOH protocols and cleared by a health professional,” ayon kay Belmonte.Dona Dominguez-Cargullo