Ayon sa inilabas na abiso ng Phivolcs, mula noong March 29, 2018 na pag-iral ng alert level 2 sa bulkang Mayon ay patuloy na bumababa ang naitatalang aktibidad nito.
Sa nakalipas na anim na buwan ay umaabot lang sa average na 1 volcanic earthquake ang naitatala.
Simula January 2020 naman ay umaabot lang sa 300 hanggang 700 tonnes per day ang average sulfur dioxide emission ng Mayon.
Mahina hanggang katamtaman lang din ang naitatalang steaming activity sa crater ng bulkan.
Sa kabila nito sinabi ng Phivolcs na patuloy pa ring babantayan ang aktibidad ng bulkan.
Kung makikitaan ng pagtaas sa aktibidad nito ay muling itataas ang alert level 2.