Pamamahagi ng libreng face mask dapat paglaanan ng pondo ng gobyerno

Hinikayat ni Senator Bong Go ang pamahalaan na istriktong ipatupad ang pagsusuot ng face mask.

Sinabi ni Go na dapat maipatupad at gawing bahagi na ng disiplina sa bawat mamamayan ang pagsusuot ng face mask para maiwasan ang lalo pang paglaganap ng COVID-19.

Ayon kay Go base sa pag-aaral ng mga eksperto, ang pagsusuot ng tamang uri ng mask ay nakapagpapababa sa banta ng paglaganap ng virus ng hanggang 85%.

Kung susunod sa social distancing at gumagamit pa ng face shields kayang mapababa sa hanggang 90% ang risk sa virus.

Habang wala pang bakuna ayon kay Go nakapahalaga ang pagsusuot ng mask.

Hinikayat ni Go ang pamahalaan na gamitin ang lahat ng available resources upang mabigyan ng face mask ang mga mamamayan lalo na ang mahihirap.

“Naghihirap na po ang mga Pilipino at karamihan ay wala naman pong pambili ng mask. Maglaan po sana tayo ng pondo para dito upang mas epektibong maimplementa ang stronger mask-wearing policy sa buong bansa,” ayon kay Go.

 

 

Read more...