Senate employee na COVID-19 survivor, namatay

Kinumpirma ni Senate President Vicente Sotto III na isang empleado ng Senado ang namatay, araw ng Huwebes.

Ayon kay Sotto, COVID-19 survivor ang naturang Senate employee at aniya, hindi pa malinaw ang tunay na dahilan ng pagkamatay nito.

Nabatid naman na nakatalaga sa Senate Budget Department ang empleyado.

Sa huling datos, 16 Senate employees ang nagpositibo sa COVID-19 at hindi kasama sa bilang sina Majority Leader Juan Miguel Zubiri at Sen. Sonny Angara.

May dalawang Senate employees ang napaulat na nasawi sa gitna ng pandemya ngunit hindi malinaw kung ang 2019 Coronavirus ang sanhi.

Read more...