ITCZ, magdudulot pa rin ng kalat-kalat na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa

Photo grab from DOST PAGASA website

Patuloy na nakakaapekto ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa bansa.

Sa weather forecast, sinabi ni PAGASA weather specialist Joey Figuracion na ITCZ ay nasa bahagi ng palawan, Visayas at mindanao.

Maghahatid aniya ang ITCZ ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa ilang parte ng bansa.

Sa Luzon, asahan ang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa MIMAROPA.

Kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog din ang iiral sa buong Visayas at maging sa bahagi ng Caraga, Northern Mindanao at Zamboanga Peninsula.

Sa nalalabi namang bahagi ng Luzon kasama ang National Capital Region (NCR), asahan ang pulo-pulong pag-ulan bunsod ng localized thunderstorms.

Pinayuhan ng weather bureau ang publiko na sa panahon ng tag-ulan, malaki ang tsansa na makaranas ng matitinding thunderstorms.

Read more...