Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, ito ay dahil sa mga pahayag ni Duque na walang mga batayan.
May mga pahayag din aniya ang kalihim na kontra sa facts at kadalasang pinapasinungalingan o itinatanggi ng kanyang mga kapwa kalihim at opisyal sa pamahalaan.
Pinakahuli na pahayag ni Duque na ayon kay Barbers ay big joke ang pag-flatten ng curve ng COVID-19 sa bansa.
Sabi ni Barbers, ang mga ganitong pahayag ni Duque ang dahilan kaya nalalagay sa panganib ang bansa sa gitna ng pandemya.
Sinabi pa ng kongresista na para maka-survive sa global health crisis ay kinakailangan ng bansa ng isang maaasahang gabay mula sa Secretary.
Umaasa ang mambabatas na sa lalong madaling panahon ay makahanap si Pangulong Rodrigo Duterte ng kapalit kay Duque na isang competent official upang maibalik ang nawalang kredibilidad ng ahensya.