Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina, umabot na sa 538

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa lungsod ng Marikina.

Base huling datos mula sa Marikina PIO Facebook page (3:00 PM Huwebes, July 16) pumalo na sa 538 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus kung saan 14 ang nadagdag.

Sa nasabing bilang, 203 ang active cases.

Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lungsod ay nanatili sa 32.

Ang bilang ng naka-recover o gumaling na sa sakit ay nasa 303 na.

Read more...