Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON, pumalo na sa 4,208

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Huwebes (July 16, 3:00 PM) nakapagtala ng 109 na bagong kaso kaya pumalo na sa 4,208 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 921
Laguna – 1,395
Batangas – 572
Rizal – 1,103
Quezon – 217

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 2,243.

Nasa 1,719 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 20 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 333
Laguna – 557
Batangas – 242
Rizal – 421
Quezon – 166

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nanatili sa 246.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 53
Laguna – 55
Batangas – 35
Rizal – 90
Quezon – 13

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

Read more...