COVID-19 cases sa Singapore, sumampa na sa 47,000

Mahigit 200 ang bagong naitalang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Singapore.

Batay sa anunsiyo, sinabi ng Ministry of Health sa Singapore na nakapagtala ng karagdagang 248 na kaso hanggang 12:00, Huwebes ng tanghali (July 16).

Karamihan anila sa mga bagong kaso ay Work Permit holders na nakatira sa foreign worker dormitories.

“Based on our investigations so far, there are 11 case in the community, of whom two are Singaporeans/Permanent Residents, seven are Work Pass holders and two are Dependant’s Pass holders,” ayon pa sa Ministry of Health ng naturang bansa.

Maliban dito, mayroon ding apat na imported case na inilagay sa Stay-Home Notice o isolation pagkadating sa Singapore.

Sa ngayon, inaayos pa anila ang karagdagan pang detalye sa mga bagong kaso.

Sa kabuuan, pumalo na sa 47,126 ang confirmed COVID-19 cases sa Singapore.

Read more...