Sarangani, Davao Occidental muling niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 192 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani,alas-5:15 hapon ng Huwebes (July 16).

May lalim na 43 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Nauna ng niyanig ng magnitude 3.5 at 3.4 ang Sarangani, Davao Occidental kaninang alas-2:49 ng madaling araw at alas-9:59 ng umaga.

Read more...