COVID-19 cases sa Baguio City, 55 na

Nagpositibo sa COVID-19 ang isa pang residente sa Baguio City.

Ayon sa Baguio City Public Information Office, tinamaan ng nakakahawang sakit ang 50-anyos na babaeng residente ng San Luis Village.

Ayon kay Mayor Benjamin Magalong, symptomatic ang pasyente.

Nagsasagawa na ng contact tracing, quarantine, disinfection at medical protocols.

Sa kabuuan, umabot na sa 55 ang confirmed COVID-19 cases sa Baguio City.

Read more...