Sa unang araw ng lockdown, nagsagawa din ng inspeksyon si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Major General Debold Sinas.
Ayon kay Sinas layon ng dalawang APC na paalalahanan ang mga residente sa presensya ng pulisya sa lugar.
Una nang sinabi ng PNP na tutulong ang mga tauhan ng Special Action Force sa pagpapatupad ng lockdown sa Navotas.
Ang city-wide total lockdown sa Navotas ay nagsimula alas 5:00 ng umaga ngayong July 16 at tatagal hanggang 11:59 ng gabi ng July 29,2020.
MOST READ
LATEST STORIES