Sa Facebook page ng Antipolo City local government iiral ang lockdown sa sumusunod na lugar mula July 18 hanggang July 24:
• Phase 2, COGEO Village, Bgy. Bagong Nayon
• Upper Sto. Niño, Bgy. Sta. Cruz
• Lower Ruhat III, Bgy. Mambugan
• Phase 2, Sta. Elena Subd., Bgy. San Jose
• Phase 2, Peace Village, Bgy. San Luis
• College View Park HOAI, Purok 4, Zone 8, Bgy. Cupang
Ito ay dahil sa presensya ng local transmission at lampas ang case doubling rate sa loob ng isang linggo sa nasabing mga lugar.
Habang umiiral ang lockdown ay maari pa ring lumabas ang mga nagta-trabaho sa loob at labas ng lockdown areas basta’t magpakita lang ng valid company ID sa mga nakabantay sa quarantine checkpoints.
Sa Biyernes, July 17 nakatakdang magtapos ang lockdown sa Purok Logcom at Piña Alley sa Brgy. de la Paz sa Antipolo.