Kasama ang mga opisyal ng pamahalaan, pinangunahan ni SMC President Ramon Ang ang pagbubukas ng huling bahagi ng TPLEX kahapon.
Ang TPLEX ay mayrong ten interchanges at 11 toll plazas na magkukunekta sa sa Central at Northern Luzon.
Pabibilisin din nito ang biyahe mula at pabalik ng Metro Manila.
Ayon sa SMC, dahil sa pagbubukas na ng buong linya ng TPLEX mas mapapabilis ang biyahe sa mga goods at mas mapalalakas ang turismo.
“all of these will help jumpstart our economic recovery from this pandemic. TPLEX will help deliver growth to the regions for generations to come,” ayon sa SMC.
Pinasalamatan naman ni Ang si Pangulong Rodrigo Duterte at si DPWH Secretary Mark Villar sa suporta sa proyekto.
“I’m happy to announce that we have completed all 89.21 kms. of TPLEX with the opening of the final section today. This project is at the core of what we, in San Miguel Corp, have set out to do– help drive our country’s growth and make lives better for our countrymen. Thank you to our hard-working DPWH Secretary Mark Villar who made this possible, to President Rodrigo Duterte and his entire economic team, and everyone who has supported this program from start to finish.” ayon kay Ang.