Ayon kay Rodriquez, dahil sa COVID-19 pandemic, labis na naapektuhan ang buhay ng lahat ng Pilipino kabilang ang mahigit 11 milyong may-ari ng mga sasakyan.
Bilang resulta anya ng lockdowns sa maraming lugar sa bansa, karamihan sa mga transakayon sa gobyerno ay natigil gaya ng pagpaparehistro ng sasakyan.
Kasunod naman nang pagluluwag ng quarantines at travel restrictions, napakahaba ng pila ng mga sasakyang magpaparehistro at lalo pang nagpapa-delay sa proseso ang emission testing.
Inihalimbawa nito sa kanilang lugar ay kailangan nang pumila nang napakaaga ng mga aplikante na inaabot ng hanggang 5 oras para lamang kumuha ng numero at mabigyan ng appointment para sa emission test na tumatagal naman ng hanggang 2 linggo.
Sabi ni Rodriguez, sobrang abala nito para sa mga may-ari ng sasakyan na kabilang sa taxpayers at dapat namang mabigyan ng maayos na serbisyo.