MeTC Manila Branch 10 isinailalim sa lockdown hanggang July 29

Nagpatupad ng lockdown sa Manila Metropolitan Trial Court Branch 10 hanggang sa July 29.

Ang lockdown sa nasabing korte na matatagpuan sa Parkview Plaza Building ay nagsimula kahapon, July 15.

Sa bisa ng memorandum na inilabas ni Executive Judge Carissa Anne Manook-Frondozo isang empleyado ng naturang branch ng korte ang nagpositibo sa COVID-19.

Isang empleyado din sa parehong branch ang nagpositibo sa rapid test at hinihintay pa ang resulta ng kaniyang swab test.

Inatasan ang lahat ng empleyado ng branch ng korte na sumailalim sa self-quarantine hanggang July 29.

At kung mayroong makararanas ng sintomas, agad ipagbigay alam sa Barangay Health Emergency Response Team kung saan sila nakatira.

 

 

Read more...