Lockdown sa Branch 205 ng Muntinlupa RTC pinalawig pa hanggang July 23

Pinalawig hanggang July 23, 2020 ang pagpapairal ng lockdown sa Branch 205 ng Muntinlupa Regional trial Court.

Sa abiso ng Korte Suprema, batay sa memorandum ni Muntinlupa RTC executive judge Antonieta Pablo Medina, mananatili ang pag-iral ng lockdown sa naturang branch.

Ito ay makaraang isa pang empleyado ng branch 205 ang magpositibo sa COVID-19.

Kung may importanteng concern, ang Branch 205 ay maari pa ring ma-contact sa pamamagitan ng tawag sa telepono at iba pang judiciary accounts.

 

 

 

Read more...