Kiblawan, Davao Del Sur niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

(UPDATE) Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang lalawigan ng Davao Del Sur.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 14 kilometers southwest ng bayan ng Kiblawan alas 8:34 umaga ng Huwebes (July 16).

May lalim na 4 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Naitala ang sumusunod na Intensities:

Intensity II – Kidapawan City

Instrumental Intensities:
Intensity II – Malungon, Sarangani
Intensity I – Tupi, South Cotabato

Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang lindol.

Samantala, alas 8:41 ng umaga muling nakapagtala ng magnitude 3.5 na lindol sa Kiblawan.

Ang sentro ng pagyanig ay sa layong 7 kilometers southwest ng Kiblawan.

11 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

 

 

Read more...