Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Dr. Anthony Leachon, na ipinanukala niya kay Pangulong Duterte at Inter Agency Task Force sa pulong kagabi na gawing libre para sa lahat ang face mask.
Sinabi ni Leachon na sa mga lugar na maraming mahihirap na pamilya na walang maipambili ng pagkain, tiyak ding wala silang pambili ng face mask.
Marahil ani Leachon na hindi talaga nais lumabag ng ilang mamamayan sa patakaran sa pagsusuot ng face mask kundi wala lamang silang pera pambili nito.
Ani Leachon sinabi ng pangulo na dahil hindi naman kamahalaan ang face mask, walang gobyerno na hindi kakayaning i-provide ito ng libre sa mga mamamayan.
Si Leachon ay muling inimbitahan para dumalo sa diskusyon ng IATF kahapon.
Magugunitang naging kontrobersyal si Leachon matapos pagbitiwin bilang special adviser ng National Task Force against COVID-19.