ABS-CBN magpapatupad na ng retrenchment simula sa katapusan ng Agosto

Sinabi ng ABS-CBN na magpapatupad na ito ng retrenchment sa kanilang mga empleyado simula sa August 31.

Ayon sa inilabas na pahayag ng network, dahil sa pasya ng Kongreso na hindi sila bigyan ng prangkisa, “humantong na ang network sa mahirap at masakit na desisyon na itigil na ang operasyon ng ilang negosyo nito”.

Sinabi sa pahayag na simula sa August 31 ay magbabawas na ang network ng empleyado.

Tiniyak naman ng ABS-CBN na bibigyan ng separation pay na naaayon sa batas at retirement benefits ang mga maaapektuhang manggagawa.

Sinabi ng network na mahirap ang naging pasya lalo na ngayong mayroong pandemiya ng COVID-19 pero ang desisyong ito ay kailangang gawin.

Nagpasalamat ang network sa lahat ng empleyado para sa kanilang nagawa sa kumpanya.

 

 

Read more...