Twitter account mga tanyag na indibidwal at malalaking kumpanya napasok ng hacker

Inatake ng hacker ang Twitter account ng mga tanyag na indibidwal at malalaking kumpanya at nag-post ng scam sa kanilang accounts.

Kabilang sa nabiktima ng hacker ang mga account nina Joe Biden, Bill Gates, Elon Musk, kumpanyang Apple at Uber.

Pinasok din ng hacker ang account sa Twitter nina Kanye West, Jeff Bezos at Mike Bloomberg.

Gamit ang account ng nasabing mga tanyag na indbidwal, nag-post ng tweet ang hacker pagso-solicit ng donasyon.

Agad na-delete ang post, pero may mga netizen na mabilis na nakapag-grab.

Sa post ng hacker sa Twitter account ni Bill Gates, nakasaad na dodoblehin niya ang lahat ng payments na ipadadala sa kaniyang Bitcoin address.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Twitter hinggil sa insidente.

 

 

 

Read more...