Pangulong Duterte pumayag na ibalik sa MECQ ang Metro Manila kapag nagpatuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19

Dumaan sa mahabang diskusyon bago pumayag si Pangulong Rodrigo Duterte na panatilihin ang pag-iral ng general community quarantine ang Metro Manila hanggang sa July 31, 2020.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa simula kasi ay pumayag ang pangulo sa panukala ng mga eksperto mula sa University of the Philippines na ibalik ang Metro Manila sa modified ECQ.

Pero nagbago aniya ang isip ng pangulo matapos umapela sina COVID-19 response Chief Implementer Carlito Galvez at Interior Secretary Eduardo Año.

Sinabi nina Galvez at Año na nangako ang mga alkalde sa NCR na mas hihigpitan ang pagpapatupad ng safety measures sa kani-kanilang nasasakupan.

Ayon kay Roque, base sa naging diskusyon kung hindi mababago ang sitwasyon sa pagtaas ng kaso sa Metro Manila sa susunod na dalawang linggo ay ipatutupad na ang mas istriktong quarantine.

Maliban sa Metro Manila, mananatili sa GCQ ang Cavite at Rizal at ibinalik din sa GCQ ang Laguna.

 

 

Read more...