Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Martes, July 14) , nadagdagan ng 24 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 662 habang 482 ang active cases.
Ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay nadagdagan ng 2 kaya umabot na ito sa 109.
Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 1,253.
MOST READ
LATEST STORIES