Burgos, Ilocos Norte niyanig ng magnitude 3.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang lalawigan ng Ilocos Norte.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 124 kilometers northwest ng bayan ng Burgos, alas-3:26 madaling araw ng Huwebes (July 16).

May lalim na 24 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.

 

 

Read more...