Kaso ng COVID-19 sa Bicol, tumaas pa

Nakapagtala ng apat pang kaso ng COVID-19 sa Bicol region, ayon sa Department of Health Center for Health Development – Bicol.

Ayon sa DOH CHD-Bicol, ang mga bagong COVID-19 patient ay residente ng mga sumusunod na lugar:
– Placer, Masbate
– Legazpi City, Albay
– Tabaco City, Albay
– Manito, Albay

Sinabi ng DOH CHD-Bicol na nakasailalim na ang pasyente sa quarantine facility.

Dahil dito, umabot na sa 235 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Bicol region.

Sa nasabing bilang, 129 ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

107 ang nakasailalim sa quarantine at 22 ang naka-admit.

Nasa 98 naman ang naka-recover habang walo ang nasawi.

Read more...