COVID-19 cases sa Muntinlupa City, 725 na

Nasa 725 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 6:30, Miyerkules ng gabi (July 15), sa nasabing bilang ay 307 ang aktibong kaso.

393 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 290 ang suspected cases.

Samantala, 365 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 53 naman ang nasawi.

Read more...