Ayon kay Salceda, walang masama sa barter trade bukod pa sa legal ito base sa New Civil Code.
Pinapayagan sa ilalim ng barter system ang palitan ng produkto sa produkto at hindi kinakailangang pera ang pambayad.
Bukod dito, wala din aniyang nakasaad sa Executive Order 64 na bawal ang barter trade na gawin sa online at sa ibang rehiyon sa bansa.
Sabi ng mambabatas, sa panahon ng krisis, mas maraming bagay na maaaring gawin ang DTI tulad na lamang ng pagbabantay sa presyo ng mga bilihin at ang pagbibigay ng suporta sa mga negosyo.
Reaksyon ito ni Salceda kasunod ng pahayag ng DTI na tutugisin ang mga gumagawa ng modern-day barter trade o palitan ng mga produkto o serbisyo.