Ito ay matapos maipasa ang City Ordinance No. 2020-33 sa lungsod.
Ayon sa Navotas City government, sa ilalim nito, hindi maaaring lumabas ng bahay ang mga residente na 18 taong gulang pababa.
Papayagan lamang ang mga ito kung mag-i-enroll kasama ang magulang o guardian at sakaling mayroong emergency.
Sinabi ng Navotas LGU na paparusahan ang mga magulang o guardian kapag hinayaang gumala, tumambay o maglaro ang anak sa labas ng kanilang bahay.
Papatawan P1,000 multa ang sinumang sumuwag sa unang paglabag, P2,000 sa ikalawang paglabag, P3,000 o pagkakulong sa ikatlong paglabag habang P4,000 o pagkakulong sa ikaapat o susunod pang paglabag.
MOST READ
LATEST STORIES