High-value target, timbog sa buy-bust ops sa Cebu City; P340,000 halaga ng shabu, nasabat

Nasamsam ang P340,000 halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Cebu City, Miyerkules ng tanghali (July 15).

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency Central Visayas (PDEA RO7), isinagawa ang operasyon sa bahagi ng C. Padilla Street sa Barangay Duljo Fatima bandang 12:10 ng tanghali.

Naaresto sa operasyon ang suspek na si Cristian Recafort alyas “Elijah,” 26-anyos.

Si Recafort ay itinuturing na high-value target ng mga otoridad.

Nakumpiska sa suspek ang 10 packs ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340,000 at ginamit na buy-bust money.

Kasong paglabag sa Section 5, Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban kay Recafort.

Read more...