Sa isa sa kanyang mga tweet, sinabi ni Frankie na may ‘fb boomers’ na itinutulak ang pagpapatalsik sa kanyang ama sa komite para bigyang-daan ang pag-amyenda sa Konstitusyon.
“Just wanted to inform– currently the FB boomers have this movement where they want to oust my dad as the chairman of the constitutional committee in order to make constitutional changes, allegedly in order to address the COVID crisis. My dad is defending our constitution,” ang tweet ni Frankie (@kakiewrites).
Nagpahiwatig din ito ukol sa plano na alisin ang term limits ng mga elected officials kayat nais ng kasalukuyang administrasyon na mabago ang Saligang Batas.
Hiniling din nito sa mga netizens na bantayan ang mga ‘oustkiko posts’ sa social media at aniya, isa ang kanyang ama sa hindi pumabor sa Anti-Terror Bill dahil nais nitong protektahan ang karapatan ng mamamayan.
“This admin can’t touch the constitution for as long as my dad is guarding it. They cannot remove term limits (extend terms) without removing him,” ang isa naman comment ng anak ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang tweet.