Singapore, nadagdagan ng 249 pang COVID-19 cases

Mahigit 200 ang bagong naitalang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Singapore.

Batay sa anunsiyo, sinabi ng Ministry of Health sa Singapore na nakapagtala ng karagdagang 247 na kaso hanggang 12:00, Miyerkules ng tanghali (July 15).

Karamihan anila sa mga bagong kaso ay Work Permit holders na nakatira sa foreign worker dormitories.

“Based on our investigations so far, there are 16 case in the community, all of whom are Work Pass holders,” ayon pa sa Ministry of Health ng naturang bansa.

Maliban dito, mayroon ding limang imported case na inilagay sa Stay-Home Notice o isolation pagkadating sa Singapore.

Sa ngayon, inaayos pa anila ang karagdagan pang detalye sa mga bagong kaso.

Sa kabuuan, pumalo na sa 46,878 ang confirmed COVID-19 cases sa Singapore.

Read more...