Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 4,646 ang bilang ng mga kumpirmado kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Miyerkules ng umaga (July 15).
Sa nasabing bilang, 4,571 ang DOH confirmed cases na may kumpletong address.
4,546 namang kaso ang na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 1,772 naman ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
2,511 naman ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 263 ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 3,227 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
READ NEXT
Sec. Duque, nagbigay-linaw sa pahayag na na-flatten ang COVID-19 curve sa bansa noong Abril
MOST READ
LATEST STORIES