Ito ay matapos magpositibo ang isang empleyado sa COVID-19 noong July 6.
“The employee, who has been working on remote over the past weeks, is now under proper monitoring and treatment,” pahayag ng PTV.
Kahit ilang linggo nang hindi nagpupunta ang empleyado sa opisina ng TV network, nagdesisyon ang pamunuan ng PTV na isailalim pa rin sa pagsusuri ang lahat ng empleyado.
“Meantine, despite the employee’s non-appearance in the station’s premises for weeks, network management has decided to implement testing on all its employees and to send home majority of its personnel, keeping only the barest minimum staffing in the office headquarters, to give way to heightened disinfection and sanitation of the facility,” dagdag pa nito.
Ipinag-utos din sa lahat ng empleyado ng PTV na ipagpatuloy ang inanunsiyong health protocols ng gobyerno sa lahat ng oras upang hindi mahawa ng COVID-19.