Pagtatalaga ng apat na opisyal para sa national strategy vs COVID-19, aprubado ng IATF

Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang pagtatalaga ng apat na opisyal para makatuwang sa national strategy laban sa COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, itinaga si Deputy Chief Implementer Secretary Vivencio Dizon bilang in-charge sa testing; Baguio City Mayor Benjamin Magalong para sa tracing; Public Works and Highways Secretary Mark Villar para sa isolation; at Health Undersecretary Leopoldo Vega para sa treatment.

“All four shall be under National Task Force for Coronavirus Disease 2019 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez, Jr,” pahayag ni Roque.

Inaprubahan na rin ng IATF ang strategic communications roadmap ng NTF Task Group on Strategic Communications na iprinisinta ni Roque.

Read more...