Mother tongue-based teaching nais ipa-abolish ng dalawang kongresita

Nais ng dalawang kongresista na alisin na ang mother tongue-based teaching sa Grade 1 hanggang 3 na ipinatutupad ng Department of Education (DepEd).

Sa pagdinig ng House Committee on Basic Education and Culture sinabi ni Baguio City Rep. Mark Go, dapat nang i-abolish ang mother tongue-based teaching lalo na sa mga lugar na may maraming mga dayakekto.

Sabi ni Go, maraming itinuturo sa mga bata pero mukhang hindi naman nakatutulong upang mai-angat ang performance ng bansa sa pagbabasa, Math at Science.

Base anya sa nakalipas na resulta ng Programme for International Student Assessment o (Pisa) ng Organization for Economic Cooperation and Development o (OECD) lumalabas na kabilang ang mga mag-aaral na Filipino sa 79 na bansa na worst ang reading comprehension at ikalawa sa pinakamababa pagdating sa mathematical at scientific literacy.

Sang-ayon naman dito si Deputy Speaker Evelina Escudero sa pagsasabing kailangang bumalik na lamang ang Pilipinas sa paraan ng pagtuturo na gamit ay wikang Filipino o Ingles.

Sabi naman ni DepEd Director III Joyce Andaya, gumagawa na ng konsultasyon ang ahensya at irerekomenda nila sa Kongreso ang pagtanggal o pagpapatupad nito sa mga piling lugar sa bansa.

 

 

 

 

Read more...