Nag-self quarantine na si Presidential Spokesman Harry Roque.
Ito ay matapos makahalubilo ni Roque si Public Works Secretary Mark Villar na positibo sa COVID-19.
Magkasama sina Roque at Villar noong Biyernes (July 10) sa signing at ground breaking ceremony ng Cavitex Segment 2.
Ayon kay Roque, sumalang na rin siya kahapon sa swab test at hinihintay na lamang ang resulta.
Miyerkules (July 15) ng umaga nang ianunsyo ni Villar na positibo siya sa COVID-19.
MOST READ
LATEST STORIES