Public Works Secretary Mark Villar nagpositibo sa COVID-19

Positibo sa COVID-19 si Public Works Secretary Mark Villar.

Inanunsyo ito mismo ni Villar sa kaniyang Facebook page.

Ayon kay Villar, ngayong araw July 15 ay natanggap niya ang resulta ng kaniyang test at positibo siya sa sakit.

“I regret to announce that today, July 15, I received my test result and it is potive for COVID-19,” ani Villar.

Magugunitang kahapon, nag-anunsyo si Defense Sec. Delfin Lorenzana na sasailalim siya sa quarantine dahil isa sa kaniyang mga staff ang nagpositibo sa COVID-19.

 

 

Read more...