Global death toll sa COVID-19 mahigit 581,000 na

Sumampa na sa mahigit 581,000 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos, ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo ay 581,221 na.

Pinakamaraming naitalang nasawi pa rin sa US na umabot na sa 139,143.

Narito naman ang iba pang mga bansa na nakapagtala ng mataas na bilang ng nasawi:

Brazil – 74,262
UK – 44,968
Mexico – 36,327
Italy – 34,984
France – 30,029
Spain – 28,409
India – 24,315
Iran – 13,211
Peru – 12,229

Sumampa naman na sa mahigit 7.8 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 5 million pa ang aktibong kaso.

 

 

Read more...