Last phase ng TPLEX bubuksan na ngayong araw

Mas magiging mabilis na ang biyahe mula Metro Manila patungong Baguio City at iba pang lugar sa Northern Luzon.

Ito ay dahil simula ngayong araw, July 15 magagamit na ng mga motorista ang buong linya ng Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEx).

Bubuksan na kasi ang last phase ng TPLEx mula Pozorrubio, Pangasinan hanggang sa Rosario, La Union.

Ito ang kukumpleto sa 88.85-kilometer na TPLEx.

Dahil sa pagbubukas ng final segment ng TPLEx, mababawasan ng hanggang tatlong oras ang biyahe ng mga motorista mula Metro Manila patungong Baguio.

Mula sa dating mahigit tatlong oras na biyahe mula Tarlac hanggang Rosario, Pangasinan ay bababa ito sa isang oras na lamang.

 

 

Read more...