Water service interruption sa maraming lugar sa Cavite tatagal hanggang bukas ng tanghali

Aabot pa hanggang bukas ng tanghali ang nararanasang water service interruption sa maraming lugar sa Cavite.

Ayon sa abiso ng Maynilad, nakararanas ngayon ng low water supply hanggang sa tuluyang pagkawala ng tubig sa Cavite City, Imus City, at sa mga bayan ng Noveleta, Kawit at Rosario.

Posibleng tumagal hanggang alas 12:00 ng tanghali bukas, July 16 ang nararanasang interruption.

Ang service interruption ay dahil sa mataas na demand ng tubig sa PAGCOR Pumping Station.

Samantala, simula alas 10:00 ngayong umaga naman hanggang alas 10:00 ng gabi mamaya, makararanas din ng water service interruption sa ilang mga barangay sa Bacoor City at Imus City.

Ito ay dahilan naman sa hindi magandang kalidad ng raw water na nakukuha mula sa Laguna Lake.

Narito naman ang mga apektadong barangay:

Sa Parañaque City naman alas 12:00 ng tanghali ngayong araw hanggang ala 1:00 ng madaling araw bukas (July 16) ang service interruption.

 

 

 

 

 

Read more...