Highest single-day increase sa kaso ng COVID-19 sa Navotas, naitala kahapon

Naitala kahapon araw ng Martes, July 14 ang highest single-day increase sa kaso ng COVID-19 sa Navotas City.

Ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiangco nakapagtala ng dagdag na 93 bagong kaso ng sakit sa lungsod.

Ito na aniya ang pinakamataas na bilang ng nagpositibo sa loob ng isang araw simula ng makapagtala ng unang kaso sa Malabon.

Sa ngayon umabot na sa 1,074 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa Malabon, 661 dito ang aktibong kaso at 344 ang naka-recover na.

Samantala, lima naman ang nadagdag sa bilang ng nasawi kaya umabot na sa 69 ang nasawi sa lungsod.

 

 

Read more...