Kaso ng COVID-19 sa buong mundo mahigit 13.4 million na

Umakyat na sa mahigit 13.4 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa pinakahuling datos, 13,454,449 na ang global cases ng COVID-19.

Ito ay makaraang makapagtala ng halos 200,000 na bagong kaso sa magdamag.

Nananatiling ang Estados Unidos ang may pinakamaraming bilang ng kaso na sumampa na 3,545,077.

Ang Mexico na ang pang-pitong bansa na may pinakamaraming kaso matapos maungusan nito ang bilang ng COVID-19 cases sa Spain.

Habang ang South Africa ay pang-siyam na sa mga bansa na may pinakamaraming kaso at naungusan na ang datos ng UK.

Narito ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga bansa:

Brazil – 1,931,204
India – 937,487
Russia – 739,947
Peru – 333,867
Chile – 319,493
Mexico – 311,486
Spain – 303,699
South Africa – 298,292
UK – 291,373

 

 

 

Read more...