Ayon sa Volcano Bulletin ng Phivolcs, nakapagtala din ng moderate emission ng kulay puting steam-laden plumes mula sa crater ng bulkan na ang taas ay umabot sa hanggang 300 meters.
Kahapon July 14 ang sulfur dioxide mula sa Bulkang Kanlaon ay nasukat sa average na 919 tonnes/day.
Nananatili sa alert level 1 ang Mt. Kanlaon na nangangahulugang hindi pa rin normal ang kondisyon nito.
Paalala ng Phivolcs sa lokal na pamahalaan bawal pa rin ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) ng bulkan.Inabisuhan din ang Civil aviation authorities na payuhan ang mga piloto na iwasan ang pagpapalipad ng eroplano malapit sa summit ng bulkan dahil maari itong magkaroon ng biglaang phreatic eruption.