Zamboanga City hall sarado ngayong araw para isailalim sa disinfection

Isinara pansamantala ngayong araw ng Miyerkules, July 15 ang Zamboanga City Hall.

Ito ay para isailalim ang city hall sa disinfection.

Ayon sa abiso ng City Government, magtatalaga pa rin ng skeletal force sa Centro Latino sa Paseo Del Mar.

Ang mga tanggapan na city government na nasa labas ng City Hall ay magpapatuloy din ang operasyon.

Sa sandaling matapos ang disinfection at decontamination ay magbabalik sa normal ang operasyon ng City Hall.

 

 

Read more...