27 volcanic earthquakes naitala sa Mt. Bulusan sa nakalipas na magdamag

Sa nakalipas na magdamag nakapagtala ng 27 volcanic earthquake sa Mt. Bulusan sa Sorsogon.

Sa 8AM Bulusan Volcano Bulletin na inilabas ng Phivolcs ngayong Miyerkules, July 15, pawang low frequency lamang ang mga pagyanig na bunsod ng magmatic gas activity ng bulkan.

Nakapagtala din ng mahinang steam laden plumes mula sa lower southeast vent ng bulkan.

Sa ilalim ng Alert Level 1, ipinagbabawal ang pagpasok sa four-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) ng Mt. Bulusan.

Inabisuhan din ang Civil aviation authorities na payuhan ang mga piloto na iwasan ang pagpapalipad ng eroplano malapit sa summit ng bulkan dahil maari itong magkaroon ng biglaang phreatic eruption.

 

Excerpt:

Read more...